Palestinian militant commander, 10 iba pa, patay sa airstrike sa Gaza

Patay ang sampung tao kabilang ang sinasabing top commander ng Palestinian militant group sa airstrike ng Israel sa Gaza strip.

Ayon sa report, kabilang ang isang batang babae sa mga nasawi habang maraming iba pa ang nasugatan.

Ipinaliwanag ni Israeli Prime Minister Yair Lapid na ang nasabing operasyon ay bilang tugon sa banta ng Palestinian Islamic Jihad (PIJ) kasunod ng pagkakaaresto sa isa sa mga miyembro nito.

Sinabi ni Lapid na ang operasyon ay bahagi din ng kanilang counter-terror operation laban sa immediate threat sa kanila.

Napag-alaman na umabot sa mahigit 100 rockets ang pinakawalan ng PIJ sa Israel pero karamihan sa mga ito ay na-intercept ng Iron Dome missile defence shield ng Isarael.

Kumbinsido din ang Israel na hindi magiging madali ang operasyon na mas mahaba kaysa sa inaasahan

Leave a Reply

Your email address will not be published.