Target ng Pilipinas at Vietnam na mas palakasin pa ang palitan ng produkto ng dalawang bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. magsusumikap ang pamahalaan para mapalawig ang bilateral trade sa Vietnam sa halagang $10 billion.
Ayon kay Marcos, sa ngayon nasa halos US$7 billion ang halaga ng bilateral trade ng dalawang bansa kaya target itong maitaas sa US$10 billion.
Ibinida din ng pangulo sa Vietnamese leader ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2023 dahilan para ang bansa ay mapasama bilang isa sa may pinakamalakas na ekonomiya sa Asya.
Pangunahing ine-export ng Pilipinas sa Vietnam ay mga electrical machinery, equipment and parts; copper and articles; nuclear reactors, boilers, machinery and mechanical appliance, and parts; plastics and articles; at fertilizers.
Habang ang inaangkat naman ng Pilipinas sa Vietnam ay cereals; electrical machinery and equipment and parts, iron and steel; salt, Sulphur, earths, and Stine; plastering materials, lime, and cement; at miscellaneous edible preparations.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…