Hindi umano katanggap-tanggap ang mga ibinibigay na paliwanag ng PALECO sa pagkakaantala ng pagbasa ng mga metro ay dahil nagkasakit ang ilang empleyado na nakatuka rito.
Ayon kay konsehal Roy Ventura, nagtataka rin ito na bakit huli na magsagawa ng reading ang PALECO kaya nagkakataon na sumasabay ang ilang buwan na dapat bayaran kaya lumalaki ang electric bills.
Kaya dapat umano ay may back-up na mga tauhan na magsasagawa ng pagmemetro sa mga kontador.
Nakatakdang ipatawag sa araw ng lunes sa regular session ng Sangguniang Pnalungsod ang Palawan Electric Cooperative upang mapakinggan ang gagawing solusyon at malaman ang paliwanag ng kooperatiba.