NAGA CITY- Nauwi sa disgrasya ang masaya sanang palo-sebo nang nabali ang kawayang gamit sa laro sa fiesta ng Barangay Lerma sa Naga City nitong Agosto 11, 2023.
Dinala sa ospital ng mga rescuers ang tatlong mga kalalakihan na labis na nasaktan sa pangyayari. Dalawa sa mga ito nakalabas na , pero isa sa kanila ay hindi pa makalakad ng maayos. Ang isa naman ay nananatili pa sa ospital, riles ng tren ang nabagsakan nito.
Nakausap ng Brigada News FM Naga si Vicente Doctolero, isa sa mga lubhang nasaktan. Naparami ang umakyat sa kawayan dahil tulong-tulong o by group, aksidenteng nabali at sabay-sabay na nahulog ang mga nakaakyat.
Wala pang tulong ang organizers ng event ayon kay Doctolero. Sinubukan ng BNFM na kuhanan ng pahayag ang Barangay Kapitan pero abala pa ito kanina.