Pamahalaan, kukumbinsihing umuwe ng bansa ang mahigit 100 pang Pilipinong nasa Sudan

Nasa 146 pang Pilipino na nasa Sudan ang kukumbinsihing umuwe ng pamahalaan.

Ayon kay DMW Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Service Hans Leo Cacdac, gagawin nila ang lahat para mapa uwe ang mga natitirang OFWs.

Ito aniya ay dahil hindi nila matiyak kung may mga lugar pa sa Sudan na ligtas para sa mga ito.

Hindi umano dapat hintayin pa ng mga OFWs na lumala pa ang sitwasyon bago humingi ng repatriation.

Sa kasalukuyan, may 595 na mga OFWs ang nakalabas na ng Sudan matapos tumawid sa mga boarders patungo sa Egypt o Kingdom ng Saudi Arabia.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *