Nilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi kasama ang Oktubre 31 at Nobyembre 3 sa holiday.
Ayon kay Bersamin, fake news ang kumakalat na balitang holiday ang Nobyembre 3.
Mababatid na una ng pinabulaanan ni Bersamin ang kumakalat na memorandum na nagsasabing ang pasok sa mga pampublikong paaralan at government offices ay suspendido mula alas-12 ng tanghali sa Oktubre 31.
Sinabi na ng Malacanang na wala itong planong ideklarang non-working holiday ang Oktubre 31, 2023.
Tanging ang Oktubre 30, 2023 lamang ang idineklarang non-working day bilang pakikiisa sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.