Pamahalaan, tiniyak na ang tulong para sa mga Pilipinong apektado ng Hawaii wildfire

Ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos na nakahanda na ang pamahalaan para tulungan ang mga Pilipinong apektado ng nangyaring wildfire sa Hawaii.

Ito ay kasunod ng napaulat na higit 99 na katao ang namatay dahil sa insidente na naganap noong August 8, 2023.

Ayon kay Marcos, binabantayan na nila ang sakuna sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Sinusubukan pa rin aniya ng gobyerno na matukoy ang bilang ng mga Pilipino na lubhang naapektuhan ng wildfire.

Sa huli, sinabi ng Pangulo na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Philippine Consul General sa Hawaii, sa mga lokal na awtoridad, at sa Filipino community doon para sa anumang impormasyon kaugnay ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *