Pamahalaang panlalawigan ng Albay, maglalaan ng pondo para sa rehabilation ng persons who used drugs (PWUDS)

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Albay Gov. Noel Rosal na maglalaan ng pondo ang Pamahalaang Panlalawigan sa Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) para sa Persons Who Used Drugs (PWUDs) upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa rehabilitasyon.

Ayon sa gobernador, ang pagbibigay ng pondo para sa rehabilitasyon ay maaaring maging isang magandang paraan upang matulungan ang mga component municipalities ng lalawigan sa pagresolba ng mga isyu sa regulasyon ng PWUDs.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Kristin Renee Miranda, PADAC Focal Person, ang tungkol sa umiiral na anim na ‘Balay Silangan’ sa lalawigan ng Albay, mga pasilidad ng rehabilitasyon na nagbibigay ng pansamantalang tirahan para sa mga sumukong drug offenders na may layuning mabigyan sila ng panibagong simula sa buhay.

Pinaalalahanan din ng Gobernador ang nabanggit na konseho na i-maximize ang inilaan na badyet ayon sa mga paunang plano nito sa paghawak ng mga concerns na may kinalaman sa droga sa Albay, habang ang PADAC ay naglalahad ng mga programa at nakabinbing aktibidad sa isinagawang Joint Special Full Council Meeting sa Blue Room, Albay Capitol.

Naniniwala ang pamahalaang na sa pamamagitan ng pag-institutionalize ng PADAC, ang paggamit at pagpapatupad ng mga plano ay magtitiyak ng epektibong pagsasabatas ng mga programa laban sa pag-abuso sa droga at palalakasin ang kampanya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *