Pamahalaang panlalawigan ng Albay, nagsagawa ng konsultasyon sa mga kapitan ng Rapu-Rapu; ilang mga kapitan, naglabas ng ilang mga suliranin

LEGAZPI CITY – Personal na binisita ng Albay Gov. Atty Edcel “Grex” Lagman ang Batan Island sa bayan ng Rapu-Rapu upang pulungin at magsagawa ng konsultasyon sa mga kapitan.

Layunin lamang nitong pakinggan ang kanilang mga hinaing maging ng kanilang nasasakupan at matulungan sa kanilang problema.

Sa pagpupulong, ang bawat kapitan ay nagpahayag din ng mga suliranin tulad ng evacuation centers, patubig, kuryente at seawall.

Tiniyak naman ng gobernador na bibigyan ito ng pansin at agarang aksyon, kung saan magiging katuwang ang Provincial Engineering Office at iba pang ahensya ng gobyerno upang masolusyunan ang mga problemang matagal nang hindi pa naaaksyunan.

Sinabi rin opisyal, mararanasan na rin ng mga taga isla ang anumang mga programa sa sentro ng Albay na ihahatid sa mga barangay.

Maliban pa rito, namahagi rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng solar kits sa mga lugar at distribusyon ng social pension payout sa mga senior citizen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *