Pamahalaang panlalawigan ng Albay, planong bigyan ng pagkilala ang mga tumulong sa search and retrieval operations

LEGAZPI CITY – Pinaplano ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na mabigyang parangal ang mga rescuers at volunteers bilang pagkilala sa kanila sa kanilang pagsisikap na tumulong mula sa Cessna 340 plane rescue operations hanggang sa retrieval.

Ayon kay Albay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman, sa oras na matapos ang isinasagawang retrieval operation ay magkakaroon ng awarding ceremony upang bigyang pagkilala ang lahat ng mga tumulong sa susunod na linggo.

Nagbibigay ng pasasalamat ang gobernador sa mga rescuers at volunteers na tumutulong sa nagpapatuloy na operasyon, at magbibigay, aniya, sila ng cash incentives para sa kanilang paghihirap, pagsasakripisyo at pagod.

Binigyang-diin din nito na hindi madali ang kanilang ginagawa upang akyatin ang dalisdis ng bulkan at ibaba ang mga labi ng mga biktima sa kabila ng sama ng panahon at alert level status ng nito.

Umaasa naman siya na matatapos ngayon linggo ang pagbaba sa bangkay ng mga biktima ng bumagsak na eroplano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *