Pamahalaang panlalawigan ng Albay, poisbleng maglagay ng wellness clinic para sa mga empleyado nito

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na posibleng magkaroon ng isang wellness clinic sa loob mismo ng kapitolyo na ekslusibo para sa mga empleyado nito.

Ang nasabing clinic ay magiging daan tungo sa ‘healthy workplace’ upang mapabuti ang pangkalahatang kagalingan o pagiging produktibo ng mga empleyado.

Ito ay may layuning mapabuti ang pisikal at mental na kalusugan ng buong manggagawa sa kapitolyo, magbigay ng mga libreng diagnostic procedure, magtayo ng on-site fitness center, mag-alok ng mga yoga session at pagpapayo para sa personalized na nutrisyon, lumikha ng mga hamon sa kalusugan, at maghatid ng mga health assessments paminsan-minsan.

Bukod pa rito, ilulunsad din ang kauna-unahang ‘biggest loser’ para sa mga empleyado nito na naka-pattern sa isang sikat na palabas sa telebisyon, kung saan ang mga kalahok ay nakikipagkumpitensya upang pumayat sa pamamagitan ng pinangangasiwaang mga aktibidad sa physical fitness.

Ayon kay Provincial Administrator, Sheina Marie Onrubia Dela Cruz, nauunawaan ng tanggapan ang mga lumalaking pangangailangan ng mga empleyado, upang makagawa ng isang malusog na kapaligiran na may positibong epekto sa kanilang personal at propesyonal na buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *