Pamalaang lalawigan magbibigay ng cash incentives sa mga Sorsoganong medalist ng Palarong Pambansa 2023

Inanunsyo ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon na magbibigay ito cash incentives sa mga Sorsoganon na medalist sa Palarong Pambansa 2023.

Ayon kay Governor Edwin ‘Boboy’ Hamor, makatatanggap ng P100K ang atletang uuwi ng gintong medalya, P75K naman para sa silver medalist at P50K para sa bronze medalist.

Kabilang sa makatatanggap ng P100K na uuwi ng gintong medalya ay sina Rose Jane Barcelona para sa Long Jump elementary, Sofia Huete sa Discuss Throw elementary girls at Beatrize Maria Mabalay na nakakuha ng gintong medalya sa Swimming Breaststroke, silver medals sa 100M at 50M Breaststroke.

Bronze Medal naman ang nakuha nina Jake Ivan Arciaga  sa Badminton Singles elementary at Jeanne Epino sa Javelin Throw elementary gayundin ang nakuha ng Casiguran Central School sa Volleyball Boys Elementary.

Aniya, malaking karangalan hindi lamang sa kanilang mga paaralan, maging sa buong lalawigan ang mga medalya ng mga atletang Sorsoganon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *