Pamamahagi ng cash aid sa NCR, nasa 75 percent na- DILG

Nasa 75 percent na ang cash aid distribution rate sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, P8.4 bilyon na ang naipamigay na ayuda ng pamahalaan sa mga Pilipino.

Ibig sabihin, 8,410,659 na ang mga benepisaryong nakatanggap na ng cash aid.

Aniya, nangunguna sa distribusyon ang Caloocan na mayroon nang 96.31 percent distribution rate, Quezon City na may 94.96% distribution rate, Mandaluyong (92.51%), Navotas (90.68%), Manila (88.39%), Pateros (87.69%), at San Juan (80.40%).

Una nang nagpahayag ng kumpiyansa si Malaya na matatapos ang pamamahagi ng ayuda sa NCR Plus bago ang May 15 extended deadline. Sinabi ng opisyal na di na ito palalawigin pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.