Pamamahagi ng fuel subsidy, aarangkada na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator.

Batay sa taya ng DOTr at LTFRB, nasa 1.36 milyon na mga operator ang makatatanggap ng subsidiya.

Sa nasabing bilang, 280,000 na unit ng public utility vehicles (PUVs) ang makikinabang sa programa, habang 930,000 ang tricycle at 150,000 naman ang mga delivery service.

Magkakaiba naman ang halaga ng matatanggap na ayuda ng mga jeepney at operator.

Sampung libo para sa mga modern PUV at UVE, at 6,500 naman para sa mga traditional PUJ, Traditional UVE, public utility buses, mini buses, taxi, shuttle services taxi, transport network vehicle services, gayundin din sa tourist transport service, school transport services at filcabs.

Habang isang libo naman ang matatanggap ng mga tricycle driver, at 1,200 para sa delivery services.

Idadaan ang ayuda sa pamamagitan ng digital banking tulad ng e-wallet accounts, bank accounts, at fuel subsidy card na dati nang nakarehistro sa mga benepisyaryo ng FSP.

Kinakailangan lamang na mayroong bisa ang prangkisa ng pampublikong sasakyan o nakarehistro ito sa LTFRB upang maging kwalipikadong benepisyaryo sa naturang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *