Pamamahagi ng indemnification sa mga asf affected farmer sa Region 2, pinamamadali ng DA

Pinamamadali ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 ang distribusyon ng indemnification pay sa mga indibidwal na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang alagang baboy sa lambak ng Cagayan sa oras na maibaba na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA RFO2, inaasahang mai-release ng DBM ang 167.8 milyon mula sa President’s Contingent Fund ngayong buwan ng Oktubre.

Dagdag pa niya, mula sa  P237.8 M indemnification na inilaan sa Region 2 ay pinakamarami umano ang inilaan sa lalawigan ng Isabela dahil mula sa 47,574 culled hogs sa rehiyon ay 71% nito o katumbas ng 33,897 ang mula sa lalawigan.

Habang 8,125 hogs o katumbas ng 17% naman sa probinsya ng Cagayan, 5% o 2,614 sa Nueva Vizcaya at Quirino na mayroong culled hogs na 6% o katumbas ng 2,878.

Samantala, mula sa nasabing 167.9 milyon pesos na hinihintay na pondo ay 161.2 milyon ang manggagaling sa President’s Contingency Fund habang 6.6 milyon naman sa DA Quick Response Fund.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *