Pamamahagi ng limang libong pisong ayuda ng DA Region 3 sa mga rice farmer, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Department of Agriculture o DA Region 3 sa mga magsasaka sa rehiyon.

ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance o RCEF-RFFA na programa ng DA na naglalayong magbigay ng pansamantalang kaluwagan sa mga kwalipikadong magsasaka sa buong pagpapatupad ng Rice Tarrification Law at magbigay ng tulong pinansyal sa mga magsasaka ng palay na rehistrado sa RSBSA na nagbubukid ng dalawang ektarya at mas mababa.

Bawat isa sa mga kwalipikadong benepisyaryo ay asahan umanong tatanggap ng tig-limang libong piso.

Samantala, base sa datos ng DA-3, pinakahuling kanilang nabigyan ng ayuda nitong nakaraang linggo, ang nasa 1,418 na magsasaka ng palay sa San Narciso, Zambales.

Sa kabuuan, tinatayang nasa 16,074 na magpapalay sa Central Luzon ang mga nakatarget na makakatanggap mula sa RFFA program ng Kagawaran para sa taong 2022-2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *