Pamamahagi ng ng natitirang SAP 2nd tranche sa Hermosa, Bataan sinimulan kahapon

HERMOSA, BATAAN- Sinimulan kahapon, June 15, ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng mga natirang cash assistance mula sa Social Amelioration Program 2nd tranche sa Hermosa, Bataan.

Ito ay ang mga ipinagpaliban noon ng mga Financial Service Providers at DSWD Region 3 dahil sa pagkakaiba ng detalye ng mga impormasyon ng benipisyaryo.

Kinakailangan umano kasing siguraduhin ng mga FSP at ng DSWD Region III na mapunta sa tamang tao o pamilya ang cash assistance.

Sa impormasyong inilabas ng DSWD FO 3, umabot sa 132 na mga benipisyaryo ang nakatanggap sa lugar.

Samantala, maliban sa Hermosa ay nagkaroon rin ng payout sa Dinalupihan, Orani, Samal, Morong, Abucay, Olongapo City, San Antonio, Subic, San Narciso, Castillejos at San Marcelino na may kabuuang bilang na 1,823 benepisyaryo.

Payo naman ng kagawaran na para sa ibang schedule ay hintayin ang anunsyo ng Lokal na Pamahalaan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: DSWD FO 3

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *