Pamamahagi ng tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño sa Nueva Vizcaya, sinimulan na

Sinimulan na kahapon ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng El Nino sa kanilang lalawigan.

Isinagawa ito sa Diadi Old Market at ngayong araw ay sa bayan ng Kasibu.

Nagpasalamat si Governor Atty. Jose V. Gambito kay Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr sa tulong na ibinigay para sa mga magsasaka.

Target na mabigyan ng tulong pinansiyal na tig-sampung libong piso bawat isa ang limang libong magsasaka sa probinsiya.

Umaabot na sa 803 na magsasaka ang nakatanggap na ng tulong kung saan 739 sa mga ito ay mula sa Diadi at 64 sa Bagabag.

Nakatanggap na rin ang 839 na magsasaka mula sa bayan ng Kasibu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *