Pamamakuna kontra Covid-19 sa South Cotabato, pinabilis

KORONADAL CITY — MAS pinabilis ngayon ang pamamakuna kontra coronavirus disease o Covid-19 sa probinsiya ng South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., pinabilis na ang pamamakuna kontra Covid-19 sa buong lalawigan matapos dumating ang mas maraming bakuna mula sa national government.

Aasahan din umano ang pagdating ng dagdag pa na mga bakuna sa mga susunod na araw bilang dagdag sa 12, 650 vials ng Sinovac na natanggap ng probinsiya noong nakaraang linggo mula sa DOH Region-12.

Sa datus na inilabas noong Linggo, nasa 21, 714 katao na sa lalawigan ang nabakunahan kontra Covid-19 na kinabibilangan ng mga frontline health care workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

Sa ngayon, handa na umano ang ilang Rural Health Unit o RHU sa South Cotabato sa isasagawang pamamakuna sa A4 category o mga manggagawang nasa government at private sectors, self-employed individuals, at iba pang nasa informal workers na nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga bahay.

Muli namang pinasiguro ni Tamayo na ligtas at magbibigay proteksiyon laban sa severe hanggang critical Covid-19 ang mga bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *