Pamamaril-patay sa abogado sa Surallah, iimbestigahan ng NBI

KORONADAL CITY — INATASAN na ni Department of Justice o DOJ Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation o NBI na imbestigahan ang pamamaril-patay sa isang abogado na taga-Surallah, South Cotabato.

Sa Department Order ni Guevarra, inatasan nito ang NBA na agad sampahan ng kaso ang mga suspek sakaling may matibay na na ebidensiya.

Matatandaan na pinagbabaril patay si Atty. Juan Gammad Macababad, 68-anyos, sa pamamahay nito noong Setyembre 15 ng hapon.

Si Macababad ay miyembro ng National of Union Peoples’ Lawyers at vice chairman ng Union of Peoples’ Lawyers ng Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *