Pamamaril sa sasakyan ni former DBM Sec. Cong. Andaya masususing iniimbestigahan

NAGA CITY- Masusing iimbestigahan ng Pili Municipal Police Station katuwang ang Provincial Investigation and Detection Management Unit ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) ang pamamaril sa sasakyan ni dating Congressman  at Department of Budget and Management  (DBM) Sec. Rolando Andaya Jr.

Mababatid na nangyari ang insidente bandang alas 5:45 ng umaga sa tapat ng isang general construction and supply sa Palestina, Pili, Camarines Sur.

Ayon sa initial na ulat na ipinarating kay PCol.  Bernardo Perez, Provincial Director ng CSPPO, bandang alas-7:45 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Himpilan ng Pulisya ng Pili mula sa isang residente ng lugar na pinangyarihan.

Pagkatanggap na impormasyon, agad na inalam ni PNP Pili OIC PLtCol. Ryan Atanacio  ang kalagayan ni Andaya at ipinag-utos ang pagsasagawa ng imbestigasyon. Napag-alaman na binabaybay ng dating kongresista ang  kahabaan ng Maharlika Highway. Pagdating sa nabanggit na lugar, dalawang ulit umanong  binaril ang unahang bahagi ng itim sasakyan. Maswerteng hindi tumagos sa loob kung kaya’t ligtas ang sakay. Narekober ang dalawang basyo ng bala para sa kalibre . 45 baril.

Ipinag-utos ni Provincial Director  PCol. Perez ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang responsable at motibo sa naturang pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *