Pamamaril sa school principal sa Jaen Nueva Ecija, mariing kinokondena ng DepEd

Mariing kinokondena ng Department of Education o DepEd ang nangyaring pamamaril sa isang public school Principal sa Sto. Tomas North sa bayan ng Jaen Nueva Ecija.

Sa statement na inilabas ng DepEd, nakikipag ugnayan na sila sa pulisya para maaresto at mapanagot ang salarin.

Mariin rin nilang tinutuligsa ang anumang karahasan laban sa kanilang mga tauhan, mag aaral at stakeholders.

Patuloy ring itinataguyod ng ahensya na manatiling tahimik at safe ang kanilang mga paaralan.

Nabatid na pinagbabaril kahapon ng riding in tandem ang principal ng Sto Tomas North Elementary School na si Reden Daquiz, sa loob ng SUV nito habang nasa harap mismo ng eskwelahan.

Nagawa pang makalabas ng sasakyan ni Daquiz at makahingi ng tulong sa mga kasama nitong guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *