Local News

Pambato ng Aurora, Isabela sa Miss Earth Philippines, handa na

Handa na ang pambato ng Bayan ng Aurora Isabela na si Ms. Myra Yzabelle Rola sa gaganaping Miss Earth Philippines 2021.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Ms. Rola, sabik na umano siyang ipakita ang kanyang mga susuotin sa naturang kompetisyon na gawa ng mga iba’t-ibang local designers mula sa probinsya.

Kaliwa’t kanan na rin ang kanyang pagbisita sa mga bukid sa probinsya kung saan sentro ng kanyang adbokasiya ay pagkakaroon ng Sustainable Agriculture.

Abala rin si MS. Rola sa pagsasagawa ng clean up drive sa iba’t-ibang lugar kasama ang kanyang mga kaibigan at mga kabataan.

Kahapon lamang ay umarangkada na ang kanilang online preliminary competition para sa kanilang casual wear.

Inaasahan naman na gaganapin sa susunod na buwan ang final competition na wala pang tiyak kung gaganapin online o hindi.

Nagpasalamat naman si Ms. Rola sa mga taong nagpaabot ng kanilang suporta sa kanyang karera sa pag-abot ng korona.

Si Myra Yzabelle Rola, 21 anyos at residente ng Brgy. Saranay, Aurora Isabela, Siya ay 3rd year college sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Saint Louis University at reigning Queen Isabela Tourism, Mutya ng Aurora 2018, Grand Ambassadress of the Universe -Cagayan Valley Region.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago