Pambato ng Mexico, wagi sa 69th Miss Universe Pageant

Nai-uwi ni Andrea Meza ng Mexico ang korona sa 69th Miss Universe Pageant na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino Hollywood, Florida.

Mula sa 74 delegado nanaig ang ganda at talino ng mehikana at tuluyang sinungkit ang korona.

Pumangalawa naman si Ms. Brazil na tinanghal bilang 1st Runner-up, 2nd Runner-up ang Peru, sunundan ng India at Dominican Republic na nakuha ang 4th Runner-up sa patimpalak.

Bigo naman ang ating pambatong si Rabiya Mateo na masungkit ang korona para sa Miss Universe 2020.

Matapos pumasok sa Top 21 bigo na pambato ng Pilipinas na makapasok sa Top 10.

Sa kabila nito bumuhos pa rin ang pagbati para kay Rabiya dahil sa ipinakita nitong magandang laban sa Ms. Universe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *