Pambato ng Pilipinas nasungkit ang Miss Supermodel Worldwide title

Naiuwi ni Alexandra Mae Rosales ng Pilipinas ang Miss Supermodel Worldwide title sa isinagawang kompetisyon sa Leela Palace Hotel sa Jaipur, India.

Tinalo ni Rosales ang 16 na iba pang aspirants mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang maging unang Pilipina na nanalo ng titulo.

Itinanghal na first runner-up spot si Kaylee Roxanne Porteges Zwart ng Netherlands, habang second runner-up naman si Nova Retalista ng Indonesia.

Sina Sonia Alt Mansour ng France at Alina Cheveleva ng Kazakhstan ang nag-round up ng winners’ circle bilang third at fourth runners-up, ayon sa pagkakasunod.

Pinangalanan din ng kompetisyon ang mga continental winner—Rahel Zemen Gebremedhin mula sa Ethiopia para sa Africa, Kelly Baez mula sa Ecuador para sa Americas, Wangpor Jitrana Kengkanna mula sa Thailand para sa Asia, at Kelly Kangur mula sa Estonia para sa Europe.

Tumaas naman ang kilay ng audience sa paligsahan nang nagproklama din ng isang continental winner para sa “Russia,” na si Kamilla Matyushklova mula sa Belarus.

Nabatid na si Rosales ay isang pageant veteran na pumangalawa sa Miss Southeast Asia Ambassadress contest sa Kulala Lumpur, Malaysia, noong 2015.

Sumali rin siya sa 2021 Binibining Pilipinas pageant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *