Pambihirang usa na sa Pilipinas lamang matatagpuan, nakunan ng larawan sa Panay Island

NAKUNAN ng larawan ng isang content creator kamakailan ang itinuturing na “rarest mammals in the world” at “rarest deer species” sa buong  mundo na tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan partikular sa kapuluan ng Visayas.

Ayon sa social media account ng Inverts PH, kanilang nakunan ng larawan ang Philippine spotted deer o kilala rin sa tawag na Prince Alfred’s deer sa kagubatang bahagi ng Panay Island.

Ang naturang specie ng usa ay may scientific name na Rusa Alfredi na isa na umanong highly endangered o malapit nang maubos ang populasyon, dahil sa iba’t-ibang salik na nakakaapekto sakanilang habitat, gaya na lamang ng pagka-kalbo ng kagubatan.

Sa buong mundo, tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan ang Philippine spotted deer at tinatayang nasa 100 na lamang ang kanilang populasyon na naninirahan sa Visayan Island of Panay.

Ang katangian nito ay naiiba sa ordinaryong mga usa dahil sa kanilang distinctive “A” patterns of beige spots.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.