Pamilya Malida ng Tupi, itinanghal bilang Model IP Family ng South Cotabato

KORONADAL CITY- ITINANGHAL bilang 2022 Model Indigenous People o IP Family sa lalawigan ng South Cotabato ang pamilya nina Pastor Danilo at Ginang Linda Malida ng Tupi.

Ang mga ito ang nangibabaw sa pitong mga entries mula sa iba’t ibang mga local government units.
Bilang premyo, ang pamilya Malida ay nakatanggap ng P 52,000.

Samantala, 1st runner-up naman ang pamilya nina Mr. and Mrs. Methusila at Lucia Malida ng Polomolok na nakatanggap ng premyong P 32,000 at 2nd runner-up naman sina Mr. and Mrs. Bernie at Graciella Fiang and family na may premyong P 22,000.

Ang apat na iba pang mga nominado ay nakatanggap naman ng tig P 12,000 na consolation prize. Kabilang sa mga ito sina Pastor Pin at Pastora Lea Gallero ng Banga, Mr. and Mrs. Ruben at Aida Bulang ng Lake Sebu, Mr. Romeo and Mrs. Teresita Feles ng Tampakan, at kag Mr. Ronald and Mrs. Elena Taflan ng Surallah.

Wala namang naisumiteng entries ang T’Boli at Norala, habang walang IP community sa bayan ng Sto.Niño.

Kabilang sa criteria for judging ang mga sumusunod: quality of relationships between and among husband wife and children(20%); quality of persons(20%); ability to manage their resources(15%); involvement in community development activities (15%), quality of conditions at home (10%); at cultural preservation at promotion, 20 %.

Ang awarding ceremony ay isinagawa noong Martes bilang bahagi ng pagdiriwang ng Provincial IP Day at 15th Kastifun Festival na may temang “Pagtaguyod ng Pamayanang Kultura para sa isang Matatag na Pilipinas”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *