Pamilya ng 3 nasawi sa Camarines Sur dahil sa baha,  inabutan ng tulong ng DSWD-Bicol

NAGA CITY- Nakatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development  Office (DSWD)- Bicol ang pamilyang naiwan ng tatlong mga nasawi dahil sa baha sa Camarines Sur.

Kabilang dito ang pamilya ni Benito Noarin ng Canaman na tinangay ng baha noong pilit tinawid ang spillway sa Naga City nang uuwi sana para sa debut ng anak. Si Eddie Camillo Tanudra , job order ng Pili na sumubok din na tumawid sa spillway at pamilya ng Barangay Tanod na si Gina Barde ng Goa na inanod ng baha, nababalik sana sa paaralan upang ganpanan ang trabaho matapos na maiuwi ang anak.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Disaster Response and Rehabilitation Section Head Claudio Villareal, sinabing food packs ang unang ibinigay kasama rin nila ang mga nag assist para sa Burial Assistance na P10K , pangkabuhayan,  at psychological first aid.

Mababatid na ilang linggo nang umuulan sa lalawigan dahil sa Shearline at Amihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *