Handang makipag-tulungan sa Philippine National Police ang pamilya ng broadcaster na si Juan Jumalon na binaril patay sa Misamis Occidental para sa paglutas ng kaso nito.

Ayon kay Special Investigation Task Group- Commander Police Colonel Dwight Monato na maliban sa cooperative ang pamilya, handa namang mag-execute ng affidavit ang mga witness.
Dahil dito, tiniyak ng pulisya na mabibigyan ng seguridad ang pamilya ang witness ng nasabing krimen.
Sa ngayo ay tinututukan ng task group ang anggulo na may kaugnayan sa personal ang motibo ng nasabing pamamaril sa biktima, matapos inilahad ng pamilya na may naka-alitan na umabot pa sa Korte.
Dagdag pa ng SITG, hindi hard-hitting ang nabanggit na broadcaster, pero hindi nila isinasantabi na work related ang motibo.