Pamilya ng chess player sa Albay na sasabak sa isang kompetisyon sa Thailand, humingi ng tulong sa mga Albayano

LEGAZPI CITY – Nananawagan ngayon ang pamilyang Operiano sa mga Albayano na sana ay matulungan ang kanilang anak na mabigyan ng financial assistance para sa isang kompetisyon na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa susunod na buwan.

Humingi ng tulong ang pamilya ng chess player na si Bince Rafael Operiano para sa panggastos nito sa magiging laban sa nasabing bansa.

Gaganapin ang Eastern Asia Youth Chess Championship ngayong Nobyembre 4-13.

Nasa P200,000 umano ang posibleng magastos ng 8 anyos na chess player na pagsabak sa kompetisyon sa ibang bansa.

Aminado umano ang pamilya na hindi nila kayang tustusan o pondohan ng pamilya ang kanilang anak kung kaya’t humingi na ito sa mga mayroong kakayahang magbigay ng tulong para mapunuan ang pangangailangan sa kompetisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *