Pamilya ng cinematographer na aksidenteng napatay sa shooting, naghain ng bagong kaso

Nagsampa ng panibagong kaso ang pamilya ng cinematographer na aksidenteng napatay sa shooting ng pelikula ng actor na si Alec Baldwin laban sa aktor at production.

Ayon sa abogado ng pamilya ng cinematographer na si Halyna Hutchins na si Atty. Gloria Allred, “devastated” ang pamilya.

Kinumpirma ni Allred na kabilang sa mga kaso ang intentional infliction of emotional distress at negligence.

Layon ng bagong kaso na maliban sa danyos sa kanyang asawa at anak, dapat ding maisama ang para sa kanyang magulang at kapatid.

Binigyang-diin ng abogado ng pamilya na lahat ng sinumang responsable sa pagkamatay ng kanilang kaanak ay dapat managot.

Matatandaan na nagsampa ng kaso ang asawa ni Hutchin laban kina Baldwin at sa iba pang miyembro ng production noong Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *