Pamilya ng mga biktima ng landslide sa Benguet, tatanggap ng ayuda mula sa DSWD

Tiniyak ng pamahalaan na makakatanggap ng ayuda ang pamilya ng mga biktima sa nangyaring landslide sa La Trinidad Benguet bunsod ng bagyong Maring.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development nasa P30,000 na burial assistance at P10,000 financial assistance ang ibibigay sa pamilya ng mga namatayan.

Isinailalim na rin umano sa psycological first-aid ang mga survivors dahil sa posibleng trauma na idinulot ng naturang pangyayari.

Nabatid na tatlong mga menor de edad ang nasawi sa landslide matapos matabunan ng gumuhong lupa habang dalawa pa ang patuloy na pinaghahanap.

Sa report ng NDDRMC sinasabing nasa 11 na iniwang casualty ng bagyong Maring habang 7 naman ang nawawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *