Pamilya ng mga mangingisda sa Camarines Sur sobra ng apektado sa ilang araw na pag-uulan

NAGA CITY – Medyo kumalmana ang dagat ngayon lalo na sa may bahagi ng San Miguel Bay na sumasakop sa ilang bayan sa Camarines Sur at sa Camarines Norte.

Ang mga mangingisda ay nakita ng abala na sa paghahanda kahapon ng mga kailangan nilang dalhin sa paglaot kung tuluyan ng maging maganda sa karagatan.

Kailangan ng mangisda dahil gutom na ang pamilya.

Ito ang ibinahaging paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Kagawad Allen Hayan ng Barangay Sabang, sa Calabanga kasabay na rin ng pagku-kuwento niya sa sitwasyon ng mga mangignisda at mga laborer sa kanilang lugar.

Ayon sa kanya, 95% sa kanyang mga ka-barangay ay mga mangingisda o umaasa lamang sa biyayang nakukuha sa dagat.

Sinabi pa niya na hindi rin maiiwasang dumayo sa ibang lugar para lang makarami ng isdang mahuhuli at maipagbibili.

Hangad nila na sana ay bumuti na ng tuluyan ang panahon, para regular silang makapaglaot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *