Pamilyang binaha sa Barangay San Jose, Koronadal ayaw nang bumalik sa kanilang bahay dahil sa takot!

KORONADAL CITY- WALANG plano magbalik sa kanilang bahay sa Purok Lower Kadidang, Barangay San Jose, Koronadal City ang dalawang pamilya na nawash-out ang kanilang bahay dahil sa nangyaring landslide at baha bunsod ng malakas na ulan noong Lunes.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Conie San Miguel, isa sa mga biktima ng kalamidad, inihayag nitong may trauma parin ang kanyang pamailya dahil sa insidente kung kaya’t nagdesisyon ang mga ito na maghanap na lamang ng lugar na mas ligtas at malayo sa ano mang sakuna sa oras ng kalamidad.

Ayon naman kay Rosemary Montebano, gusto umano nilang hindi na bumalik sa kanilang bahay ngunit wala umano itong magagawa dahil walang mapaglilipatang lupa.

Umaasa naman ang nasabing pamilya na matulungan ng City Government ng Koronadal upang may malipatang ligtas na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *