Pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom, bumaba sa 10% noong Sep 2021 —SWS

Bumaba ang bilang ng pamilya Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger sa halos 2.5 million o 10% noong September 2021.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, ang September figure sa hunger rate ay 3.6 points na mas mababa kumpara sa 13.6% o 3.4 Filipino families, na nakaranas ng gutom noong June 2021.

Binigyang diin rin ng SWS na ang bagong resulta ng survey ay 11.1 points na mababa mula sa 2020 annual average na 21.1%. pero 0.7 points na mataas sa pre-pandemic o 2019 annual average na 9.3%.

Sa 10% hunger rate naman noong Setyembre, 7.9% o 2 million families ang nakaranas ng moderate hunger habang 2.1% o 534,000 families ang nakaranas ng severe hunger.

Nabatid na ang Metro Manila, ang may mataas na hunger experience sa 14% ng mga pamilya, sinundan ng Balance Luzon at Mindanao na parehong nasa 10.3% at Visayas sa 6%. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *