Pamimigay ng libreng salamin sa mga estudyante at guro ng pamilyang Pineda sa Pampanga, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang pamimigay ng libreng salamin ng Pamilyang Pineda sa lalawigan ng Pampanga, para sa mga guro at estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Pampanga Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab, espesyal na proyekto ito ng kanilang pamilya katuwang si Lubao Mayor Esme Pineda na sinimulan noon pang Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 11, 659 ang mga estudyante at guro ang naka tanggap ng salamin mula sa 506 na public school sa lalawigan.

Samantala, nilinaw ni Cayabyab na maliban sa guro at mga estudyante bibigyan rin ng libreng salamin ang mga non-teaching personal na may mahina o malabong paningin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *