Pamosong “Dracula’s Castle” sa Romania, namimigay ng libreng COVID-19 vaccine sa lahat ng mga turista

Transylvania, Romania— Kung dati-rati ay takot at hilakbot ang hatid ng “Bran Castle” o binansagang “Dracula’s Castle” sa bansang Romania, ngayon ay proteksiyon kontra sa COVID-19 ang hatid nito sa lahat ng mga turistang papasok sa naturang kastilyo.

Libre kasing nagbibigay ng bakuna kontra sa coronavirus ang pamunuan ng Bran Castle sa mga bisitang nais na maturukan ng COVID-19 vaccine partikular ang bakunang Pfizer Bio N’tech.

Isang COVID-19 vaccination center ang naka set up sa loob nito na bukas at libreng magbibigay ng bakuna tuwing mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo. Hindi na rin kailangan na mag set ng appointment ang mga nais magpabakuna at ang kailangan lamang gawin ay pumunta sa Bran Castle.

Inilunsad ang ganitong programa upang mas maka attract ng madami pang turista sa tinaguriang “medieval castle” na itinayo noon pang 1300’s.

Mas naging pamoso ito nang maging inspirasyon ng tahanan ng sikat na bampirang si Dracula na isang nobelang isinulat ni Bram Stoker noong 1897. || BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *