Pampanga, kinilala bilang top performing province sa Pilipinas

Kinilala ng Bureau of Local Government Finance o BLGF ang Pampanga bilang isa sa mga probinsiyang kabilang sa top-performing provinces sa Pilipinas na may pinaka mataas na ‘locally-sourced revenues’ o LSR noong 2021.

Pangatlo ang Pampanga sa naturang performance area, dahil nakakolekta ito ng One billion 447 million 410 thousand pesos o 103.7% collection efficiency, nahigitan nito ang target na One billion 396 million 420 thousand.

Dahil dito, pumasok sa top 5 ang Pampanga sa collection efficiency.

Sa ngalan ni Governor Dennis “Delta” Pineda, tinanggap si special assistant to the governor, Angelina Blanco, ang naturang parangal kasama si provincial treasurer, Pia Magdalena Quibal.

Kasama ng Pampanga na naparangalan bilang mga probinsiyang may pinakamataas na LSR ang Rizal, Bulacan, Quezon, Bataan, Batangas, Iloilo, Cavite, Bukidnon, at Cebu.

Samantalang sinundan naman ng Pampanga ang Cebu, Quirino, Aklan, at Capiz sa collection efficiency.

Ginanap ang awarding ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Myerkules, kasabay ng selebrasyon ng ika-35 anibersaryo ng BLGF, na may temang “Driving LGUs Toward Digital Transformation and Innovation.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *