Pampasabog at bala, nasamsam sa panibagong engkwentro sa Masbate

Aabot sa 82 pirasong bala ng M16 rifle, isang anti-personnel mine (APM) at isang hand grenade ang narekober ng tropa ng pamahalaan sa naganap na engkwentro laban sa mga rebeldeng NPA sa Brgy Dap-dap sa bayan ng Uson, Masbate.

Sa ulat na nakarating sa Brigada News, dahil sa sumbong umano mula sa isang concerned citizen hinggil sa presensiya ng mga armadong lalaki sa paligid ng nasabing barangay, agad nagberipika ang tropa ng 2IB at nagsagawa ng security operations nang makasagupa nila ang 13 miyembro ng NPA at nauwi ito sa maikling labanan na tumagal ng 10 minuto.

Sa ikinasang clearing operations, matapos na tumakas ang mga rebelde ay narekober ng tropa sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga nasabing bomba at mga bala kabilang ang detonating wire, mga subersibong dokumentos at personal na pag-aari ng mga rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *