Pampasaherong jeep, sumalpok sa poste; 13 pasahero sugatan

Bumangga sa poste ng kuryente ang isang pampasaherong jeep sa Barangay Potrero, Malabon.

Binabagtas ng jeep ang Mcarthur highway nang mawalan ng preno kaya bigla nitong sinalpok ang poste.

Wasak ang unahan ng sasakyan at 13 pasahero ang sugatan.

Samantala, hindi na nagsampa ng reklamo ang mga pasahero sa halip ay tinikitan nalang ang tsuper sa kanyang violation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *