Pamunuan ng CNPH dumipensa sa isyu ng naantalang health emergency allowances para healthcare workers ng ospital

CAMARINES NORTE – Dumipensa ang pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sa isyu ng pagkaantala ng health emergency allowance (HEA) claims ng mga healthcare workers.

Sa isinagawang flag raising ceremony kahapon, sinabi ni Administrative Officer IV Israel Llaneta na hindi nagpapabaya ang Human Resource Management Office sa pakikipag ugnayan sa Department of Health (DOH) at pagsusumite ng mga kaukulang dokumento.

Aniya ang problema ng pagkaantala ng HEA ay hindi lang sa CNPH kundi maging sa ibang lugar.

Paliwanag ni Llaneta na isa sa rason kung bakit na delay ang HEA claims ay dahil sa problema sa pag- categorize ng empleado kung ito ba ay low, moderate o high risks.

Noong mga nakaraan umanong pagpapadala ng COVID-19 Risk Exposure Classification (CREC) sa DOH ay ipinaglaban ng pamunuan ng ospital na i- classify na high risk lalo na ang mga nurse.

Pero batay umano sa napag- usapan sa meeting kasama ang mga supervisor, ang ilalagay na lang sa high risk classification ay ang  COVID team at ito ang CREC na ipinadala sa DOH noong nakaraang buwan.

Dito ay  wala umanong naging remark o komento ang DOH patungkol sa category ng mga nurse.

Pinaalalahanan rin ni Llaneta ang mga empleado na ibigay ang mga datos na kanilang hinihingi tulad ng Philhealth number dahil kasama ito sa CREC report.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nakaabot na rin ang  reklamo sa 8888 Citizensโ€™ Complaint hotline patungkol sa HEA laban sa CNPH na ini- refer sa Department of the Interior and Local Government na siya namang nagpaabot ng reklamo sa tanggapan ni Governor Ricarte โ€œDongโ€ Padilla.

Sinagot naman ito ng HRMO ng ospital at inamin na nagkaroon talaga ng delay sa pag proseso ng HEA pero maayos naman umano nitong naisumite sa DOH ang ibang claims.

Bukas di umano ang HRMO sa mga empleadong mayroong reklamo tungkol sa HEA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *