Pamunuan ng SSU planong maging level 4 institution ang unibersidad

Plano ng pamunuan ng Sorsogon State University na maging Level IV institutionally accredited status ang unibersidad.

Sa investiture at installation ceremony ni Dr. Geraldine Fulay De Jesus bilang kauna-unahang University President ng Sorsogon State University, sinabi nito na long-term goal ng kanyang administrasyon ang maging Level IV status ang nasabing unibersidad.

Kaugnay nito, mas papalakasin pa aniya nila ang kalidad ng edukasyon sa nasabing paaralan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga mag-aaral hindi lamang bilang estudyante kundi maging sa employment ng mga ito.

Bukod pa rito, magtatayo rin sila ng mga research centers, sa katunayan ay mayroon nang P40M mula sa National Economic and Development Authority (NEDA) para sa PiliPinas project, P100M para sa 4 story building hotel at tourism management courses, P150M naman para sa administration building at bagong gymnasium, bagong school bus, 2 service vehicles at mga karagdagang classroom sa lahat ng kanilang mga campus.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *