Panawagan para magbitiw si DOJ Sec. Remulla walang basehan ayon kay Pangulong Marcos

Wala umanong basehan ang panawagan para magresign si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla kasunod ng pagkaka-aresto sa anak nito dahil illegal drugs.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa ambush interview matapos nang media kasunod ng pagdalo nito sa 8th Annual Balik Scientist Program sa PICC.

Paliwanag ng Pangulong maaring ipanawagan ang pagpabitiw sa isang opsiyal ng gobyerno kung hindi nito nagagampanan ang kanyang tungkulin o kaya’y may ginawang hindi maganda sa trabaho.

Sa halip ayon kay Marcos naglabas na ng posisyon ang DOJ chief at sinabing hindi ito makiki-alam sa kaso ng kanyang anak.

Naniniwala din umano ang Pangulo na bilang kalihim ng DOJ alam ni Remulla na hindi maaaring panghimasukan ng sinuman sa executive ang mga proseso sa hudikatura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *