Pandinig kay ex-ERC chief Ducut, hindi natuloy matapos ma-diagnose ng ‘dementia’

Hindi tinuloy ng Sandiganbayan ang pandinig kay former Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Zenaida Ducut matapos itong ma-diagnose ng sakit na ‘dementia’.

Ito’y kaugnay sa kasong graft at malversation na isinampa sa kanya dahil sa umano’y kickback na tinanggap niya mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Pinayagan ng korte ang inihaing Motion for Suspension of Proceedings ng kampo ni Ducut dahil sa nasabing sakit.

Samantala, nakasaad dito na wala na umanong siyang kakayahan na umupo sa paglilitis dahil sa epekto ng vascular dementia. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *