Panelo, nabakunahan narin ng Sinopharm COVID-19 jab

Nakatanggap na rin ng unang dose ng China’s Sinopharm COVID-19 vaccine si chief legal counsel Salvador Panelo, matapos na una nang mabakuhan si Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang naturang bakuna.

Hindi naman sinabi ni Panelo kung saan niya nakuha ang inoculation.

Kaugnay nito, wala pa namang paliwanag ang Malacaรฑang kung kasama ba si Panelo na saklaw sa compassionate use permit na ibinigay para sa Presidential Security Group.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, hindi niya alam na nabakunahan na ang chief legal counsel, pero kwalipikado naman umano ito bilang siya ay isang senior citizen na.

Una nito, denepensahan ng Palasyo ang pagbabakuna kay Duterte sa unregistered COVID-19 vaccine, at ipinaliwanag na ang pangulo ay sakop sa compassionate use permit na ibinigay sa PSG bilang ito ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *