Panelo, nanindigang di makikiisa ang govt sa ICC probe vs admin’s ‘war on drugs’

Tiniyak ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na hindi makikiisa ang pamahalaan sa gagawing full investigation ng International Criminal Court (ICC) ukol sa kontrobersiyal na ‘war on drugs’ ng adminsitrasyong Duterte.

Ayon kay Panelo, hindi pupwedeng isagawa ng ICC ang imbestigasyon lalo na at hindi naman aniya miyembro ang Pilipinas nito.

Malabo aniya itong masimulan sapagkat, una pa lamang ay wala na itong jurisdiction.

Sinabi ni Panelo na labag sa batas at sa konstitusyon ng bansa ang gagawing imbestigasyon ng ICC.

Dagdag pa ng kalihim, hindi maipapatupad ng ICC ang kanilang mga judgement ukol sa war on drugs dahil wala naman ang mga itong pulis kagaya aniya ng United Nations.

Ang problema rin aniya sa ICC, hindi raw nila binabasa masyado ang mga provisions na sina-cite nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *