NAGA CITY- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Launching ng KADIWA ng Pangulo sa Camarines Sur partikular nasa Palestina , Pili o sa Capital Town ng lalawigan.
Inisa-isa ng Pangulo ang mga exhibits ng produkto mula sa iba’t-ibang bayan tulad ng mga gulay, bigas, meat at proceed products.
Sa kaniyang mensahe binanggit na daragdagan pa ang KADIWA na patuloy na nagbibigay oportunidad sa mga magsasaka, sa ngayon mayroon nang 500 KADIWA stations.
Binigyan diin din na tuloy pa rin ang pagsisikap ng pamahalaan upang maabot ang pangarap at pangako niyang P20.00 na bawat kilo ng bigas. Ngayon aniya P25.00 itong mabibili sa KADIWA at kaunti na lang malapit nang patupad.