Pangalan ng 10 presidential aspirant pasok sa balota na i-iimprenta ng COMELEC

Sampung kandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas ang nakapasok sa pinal na listahan ng Commission on Elections para makasama sa pag-imprinta ng mga balota.

Kabilang sa mga kandidato ay sina Vice President Leni Robredo, former Sen. Ferdinand Marcos Jr., Senators Manny Pacquiao at Panfilo Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, labor leader Leody de Guzman, former presidential spokesperson Ernesto Abella, at dating Security Adviser Norberto Gonzalez.

Makakasama din sa balot ang pangalan nina Faisal Mangondato at Jose Montemayor Jr.

Samantala siyam naman sa listahan ng vice presidential candidates ang makikita sa May 2022 ballot kabilang sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Francis Pangilinan, Davao City Mayor Sara Duterte, Buhay party list Rep. Lito Atienza at Dr. Willie Ong.

Pasok sa bise-presidente sina Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez at Carlos Serapio.

Ngayong linggo sinabi ng Comelec na sisimulan na ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa May 2022 Election.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *