CAMARINES NORTE- Nasa Sitio Dumagmang na ang isinasagawang trenching o paghuhukay ng trinsera na paglalatagan ng pangalawang distribution pipelines para sa infrastructure project na Capalonga Water System sa bayan ng Capalonga.
Nagmula ito sa ginawang Water Treatment Facility sa Brgy. Mataque at magsusuplay sa Sitio Talagpucao, sa bahagi ng Catioan, at bahagi ng Poblacion.
Matatandaang noong Enero 13, 2022 ay Binisita ng Punong Bayan at Municipal Engineer ang Brgy. Mataque na kung saan doon manggagaling ang tubig na siya namang padadaluyin sa bara-barangay.
Ang nasabing pasilidad ay mayroong tatlong silid, ang Opisina, Laboratoryo at Stock Room.
Samantala ang naunang natapos na distribution pipeline noong nakaraang taon na napapakinabangan na umano sa ngayon ng ilang mga pansamantalang tapstand sa Poblacion ay nagmula sa Catioan Reservoir.
Maaari naming magsadya at magpalista sa Municipal Engineering Office ang mga gustong magpakabit ng linya ng tubig na naninirahan sa Brgy. Poblacion at Catioan na sisimulan sa susunod na buwan.
