Tiniyak ng Provincial Health Office ng Zambales na hindi na mauulit pa ang pangangamoy ng mga bangkay sa loob ng morgue ng Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital.
Ito ay makaraang magreklamo ang ilang mga residente malapit sa morgue na nasa compound din ng pagamutan.
Ayon kay Health Officer Dr. Noel Bueno, noong nakaraan buwan pa nangyari ang pangangamoy ng mga bangkay na ang dahilan ay ang hindi agad pag-claim ng mga pamilya na kadalasang di makalabas ng bahay dahil sa quarantine.
Liban pa dito, karaniwang problema din ang kawalan ng perang paggastos ng mga kaanak para ipambabayad sa cremation.
Dahil dito, napagdesisyunan na ang local government na ang gagastos sa pagpapalibing sa mga bangkay na hindi kayang ipa-cremate ng mga kaanak.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…